Print Friendly and PDF
Pochero ala Plaridel Recipe
Pochero ala Plaridel 
by Sa Hapag ng Mga Bayani
GMA News TV presents “Sa Hapag ng mga Bayani,” a two-part feature on the traditional dishes once enjoyed by our national heroes. Hosted by Youth Ambassador for the National Commission for Culture and the Arts Dingdong Dantes, the special uncovers the stories behind select heirloom recipes from significant periods in our nation’s history.
 
Sa librong Kasaysayan ng Kaluto ng Bayan ng food historian na si Milagros Enriquez, nabanggit na isa raw sa paboritong pagkain ng bayaning si Marcelo H. del Pilar ang kumpletos rekados at mabusising ihanda na pochero. Ito ang bersyon ng mga Pilipino ng Cocido o Spanish stew.


kusina ingredients
  • Beef shank
  • Karne ng baboy
  • Chorizo de bilbao
  • Garbanzos
  • Pechay Tagalog
  • Kamote
  • Saging na saba
  • Repolyo
  • Paminta
  • Asin
  • Asukal na pula
kusina instructions
1. Gamit ang isang malaking palayok, babanlian muna ang mga gulay.

2. Sa isang kawali, iprito ang saging at kamote at saka isantabi.

3. Sa hiwalay na kaldero, pakuluan ang mga karne ng baboy at baka hanggang lumambot ang mga ito. Kapag malambot na ang mga karne, isantabi muna ang mga ito.

4. Sa kawali, igisa ang sangkatutak na kamatis saka isama ang pinalambot na karne ng baka at baboy. Idagdag din ang chorizo at garbanzos.

5. Timplahan ng mga pampalasa tulad ng paminta, asin at asukal na pula.

6. Pakuluin ang rekado hanggang kusang magkasabaw.

7. Kapag luto na ang mga karne, saka lang isasama ang mga gulay na pechay, repolyo, saging at kamote.


Kusina101

Kusina101

Your daily source of delicious pinoy food, easy to prepare recipe guides, promos, and a lot more.

Post A Comment:

0 comments: