Print Friendly and PDF
Recipe ng Sinigang na Isda sa Mangga Recipe
Recipe ng Sinigang na Isda sa Mangga Recipe
Recipe ng Sinigang na Isda sa Mangga
by Sa Hapag ng mga Bayani


GMA News TV presents “Sa Hapag ng mga Bayani,” a two-part feature on the traditional dishes once enjoyed by our national heroes. Hosted by Youth Ambassador for the National Commission for Culture and the Arts Dingdong Dantes, the special uncovers the stories behind select heirloom recipes from significant periods in our nation’s history.

Ayon sa ilang historians, nang mapadpad ang grupo nina Ferdinand Magellan at Antonio Pigafetta sa baybayin ng Mactan, inabutan daw nila si Humabon, ang Raja ng Cebu, na naghahapunan. Inanyayahan daw ng grupo nina Humabon ang mga banyaga na makisalo sa kanila. Maaring kabilang naman daw sa mga inihaing pagkain sa isang piging para sa grupo nina Magellan ang ilang putaheng isda gaya ng Sinigang na Isda sa Mangga.


kusina ingredients 
  • Isdang Lapu Lapu
  • Hilaw na mangga
  • Sibuyas
  • Kamatis
  • Luya
  • Sitaw
  • Labanos
  • Okra
  • Tanglad o lemon grass
  • Kangkong
  • Tubig
kusina instructions
1. Magpakulo ng tubig na may lemon grass.

2. Kapag kumukulo na ang tubig, ilagay ang hiniwa-hiwang manggang hilaw.

3. Matapos ang limang minuto, ihalo ang tinadtad na sibuyas, kamatis, at luya. Ihalo na rin ang hiniwang sitaw at labanos.

4. Pakuluan ng limang minuto ang mga gulay bago ihalo ang okra at saka isda.

5. Kapag luto na ang isda, huling ilagay ang kangkong. Pakuluan nang dalawang minuto saka timplahan ng asin ayon sa panlasa.

6. Ihain habang mainit.




Kusina101

Kusina101

Your daily source of delicious pinoy food, easy to prepare recipe guides, promos, and a lot more.

Post A Comment:

0 comments: